Make Your Sardines Dishes Healthier



Make Your Sardines Dishes Healthier

Many of us already received relief goods from our local government due to enhanced community quarantine. Usually, laging may kasamang sardines ang mga packages na ito. Sa grocery naman, namili na rin tayo ng mga canned goods para may reserve na pang-ulam sa bahay. Sabi nga ng iba, ang sardinas ay common food sa table ng mga salat sa buhay at nagtitipid. We are experiencing a challenging period, kaya mahalaga that we save all the resources that we can save. Sabi nga nila, pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot. This is true especially nowadays.


Anyway, ang sardinas ay may sustansiya naman dahil ito ay may isda at tomato sauce. May unique rin itong lasa na tumpak sa panlasa nating mga pinoy. Pero dahil mas kailangan natin maboost and ating immune system to fight off Covid-19, we should make sure that we eat healthier foods always. Kailangan natin mas kumain ng maraming prutas at gulay.


Good thing, pwede nating isama ang iba't-ibang klase ng gulay sa sardinas. Tamang timpla at tamang sabaw, mayroon na tayong healthier sardinas ulam. Kadalasang iginigisa ang sardinas sa sibuyas at sinasamahan ng upo or di naman kaya ay patola, kangkong, kalabasa, Baguio beans, sitaw, o patatas. Almost any vegetable pwede natin isama sa sardinas lalo na ang mga green and leafy veggies na talagang nag-uumapaw sa nutrients. There are many ways to cook sardinas the healthier ways. Pwede ring isama sa sotanghon, canton, at miswa. Pwede ring gawing torta o palaman sa tinapay para sa meryenda. Napakadaling lutuin ng mga sardines dishes na ito at sa murang halaga pa. Tunay ngang pwede tayong magtipid habang sinisiguro na masustansiya ang ating mga kinakain.


Sa panahon ngayon, mas madalas mang sardinas ang ating ulam, ang mahalaga ay kasama natin ang ating pamilya na kumakain at malusog ang lahat. Sa gitna ng krisis, nawa'y tayo ay mas magkaisa at sumunod sa mga patakaran upang masugpo natin ang Covid-19.

Proudly made by OMBRE VERTI INC.  

Monday - Sunday: 9am - 7pm  

Email: support@natocatering.com